♥k-a-b-a-r-k-a-d-a♥


 
HomePortalCalendarGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 mga bobong tanong at bobong sagot! haha!

Go down 
AuthorMessage
prettymhieo9
Admin
Admin
avatar

Female
Number of posts : 271
Age : 27
Location : philippines
Registration date : 2007-08-13

PostSubject: mga bobong tanong at bobong sagot! haha!   Mon Aug 13, 2007 9:34 pm

maraming tanong na hindi mahagilap ang kasagutan,

datapwat hindi ako nakakasiguro sa lahat ng
aking sagot,susubukan kong bigyang liwanag ang lahat ng iyong
katanungan...

Ang aking kaibigan ay mayroong mga ilang katanungan na matagal
nang bumabagabag sa kanyang sa araw-araw na pamumuhay.
Maaaring ang iba rito ay alam na rin ito ngunit walang
makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang
mga sumusunod;


1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?


Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit ngunit bayag ni Tiya
Pusit.


2. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?


Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan
itong lagyan ng asukal at kopimeyt. kopimeyt dapat at huwag
gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good
to me!)


3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?


Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong
pakikinggan ay f.m.


4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?


Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag
may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang
tinatawag na "fire escape".


5. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?


Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay
hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng
hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.


6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa jolibee ay masasaya
kaya sila tinawag na chicken joy?


Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't
sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi inakailangang sa
jolibee patayin ang manok upang maging ito ay maging > masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may
kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi
chicken joy kundi...mcchicken singles.


7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?


Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"? Nakagat ako
minsan ng langgam.......


8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week ,
at 365 days a year. bakit may lock pa ang pinto nila? bakit ?
bakit?


Dalawa ang dahilan.


Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil
sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga
nagtatrabaho sa 7-11.


Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.


9. Bakit di mataas ang highway?


Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ang skyway.


10. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?


Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan
sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover.
Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika
ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga
kotse ay hindi lumilipad sa Flyover ngunit sa ibabaw ng
flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa
flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong
sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata,
Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng
pangmayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo...ako
lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon
kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na "sense
of Humor". namamatay ng maaga ang palaging seryoso.


Sana ay nasagot ko ang iyong mga tanong at kung mayroon pang
ibang bagay na bumabagabag sa iyong isipan huwag kang
mag-alinlangang magpadala sa akin ng e-mail, at lagi rin natin
sana tandaan ang dayuhang salawikain na "ask a dumb question
and you'll get a dumb answer." study
Back to top Go down
View user profile http://www.friendster.com/pintazera09
 
mga bobong tanong at bobong sagot! haha!
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Custom trail riding mower with no belt slip haha
» Mini HaHa clean-up Sunday 12th June 2011
» I will never say where this came from haha

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
♥k-a-b-a-r-k-a-d-a♥ :: ~fun c0rner~ :: JOWKSZ ba ito?!-
Jump to: